Isa patay sa drug buy-bust operation sa Zamboanga City

Patay ang isang pinaniwalaang tulak ng droga habang nakatakas naman ang isa pang kasama nito matapos ikasa ng pulis at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang drug buy-bust operation sa Sitio Mulu-Muluan, Barangay Mercedes Zamboanga City.

Target ng operasyion ang isang high value target na pumapasok  sa lungsod mula sa Basilan na si Salimar Sali alyas ‘Mimok’ kasama ang isang alyas Sawe.

Pero natunugan ng dalawa na pulis pala ang kanilang kausap kanina, dahilan para paputukan ang mga operatiba na nagresulta sa shoot-out.

Napatay si Sawe sa pakikipagbarilan sa mga pulis habang mabilis namang nakatakas sa likurang bahagi ng bahay ang target suspect na si Sali.

Narekober sa lugar ang isang kalibre. 45, granada, at pake-paketing shabu na idedeliver sana sa kanilang mga parokyano nagkakahalaga ng 240,000.00 piso.

Nagpapatuloy  pa ang hot pursuit operation ng pulis at PDEA para madakip sa lalong madaling panahon ang tumakas na si Sali bago ito makabalik sa probinsiya ng Basilan.

 

Ulat ni Ely Dumaboc

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *