Isang meymbro ng Abu Sayyaf Group na isa sa mga nasa likod ng Kidapawan bus terminal bombing, arestado ng PNP at AFP

Sa bisa warrant of arrest, inaresto ng pinagsanib na pwersa ng AFP atPNP ang Abu Sayyaff member na ito noong Linggo sa M. H Del Pilar St., corner Padre Faura sa Ermita, Manila.

Nakilala ang suspek na si ABDURAHMAN MATAUD DAYUNG @BZNAR SALABUDİN at @ABU TALHA na nahaharap sa kaosng kidnapping at illegal detention.

Isa kasi sa suspek sa mga tauhan ni Isnilon hapilon na itinuturong kumidnap sa labing limang empleyado ng Golden Harvest Plantation noong 2001.

Kasama rin ang suspek sa mga nasa likod ng pambobomba sa kidapawan Bus terminal October 2002 kung saan 7 ang nasawi habang 24 ang nasugatan.

Sa ngayon hindi pa malinaw sa pnp kung bakit nandito sa Maynila ang suspek.

Bagaman walang malinaw na banta sa Metro Manila, ang pagkakaaresto sa suspek ay malaking tulong para mapanatiling payapa ang kamaynilaan.

Ulat ni Mar Gabriel

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *