Kampo ni Vice President Robredo ipinaliwanag ang mga kinukwestyong ‘square shapes’ ni dating Senador Bongbong Marcos sa mga ballot images ..

Nagkamali umano ang kampo ni dating Senador Bongbong Marcos sa alegasyon nito na senyales at ebidensya ng malawakang dayaan noong 2016 elections ang mga nakitang hugis parisukat o square sa kopya ng ballot images.

Nilinaw ng abogado ni Vice -President Leni Robredo na si Romulo Macalintal na ang mga square markings sa tabi ng pangalan ng mga kandidato sa halip na oval ay bago at espesyal na katangian o feature ng ballot images noong halalan 2016.

Ipinaliwanag na anya ito noon ng Comelec at Smartmatic sa isinagawang public source code review ilang buwan bago ang eleksyon noong Mayo 2016.

Kung dumalo lang anya ang kampo ni Marcos sa mga isinagawang source code review at orientation ng Comelec ay hindi sana ito na-wow mali sa isyu ng mga square markings.

Sinabi ni Macalintal na ang parisukat na lumabas sa tabi ng pangalan ng ilang mga kandidato ay nangangahulugang umabot sa 25 percent threshold ang shade sa isang boto kaya ito ang bibilangin ng vote-counting machine.

Ang mga boto anya na hindi umabot sa nasabing threshold ay ikinunsiderang undervotes kaya hindi binilang ng vcm.

Kaugnay nito, hinimok ni Macalintal ang kampo ni Marcos na aminin ang kanilang pagkakamali at humingi ng paumanhin.

Ulat ni Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *