Katawan ng umano’y napatay na si Abdullah Maute, hinahanap pa -AFP

Patuloy pang kinukumpirma ng militar kung totoo ngang patay na ang isa sa mga Maute brothers na si Abdullah.

Sa panayam ng DZEC Radyo Agila kay Armed Forces of the Philippines o AFP Spokesperson Brig.General Restituto Padilla, kailangan pa aniyang hanapin ang bangkay nito at isa-ilalim sa DNA test upang matiyak kung siya nga si Abdullah.

Ayon pa kay Padilla, ang kapatid naman nitong si Omar ay pinaniniwalaan nilang nagtatago pa rin sa Marawi City.

” Hindi natin ito direktang makupirma hangga’t hindi pa natin nahahanap ang katawan nito at magsagawa ng DNA testing. So bagamat okey na ang initial information, kinakailangan pa natin siyang hanapin. Yung kapatid naman niyang si Omar ay nandyan pa siguro sa Marawi kaya may isa na lang sa magkakapatid ang natitira pa.” – AFP Spokesperson Brig Gen. Restituto Padilla

 

 

                                               

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *