Kaukulang ahensiya ng pamahalaan, pinaghahanda ng Malacañang sa pananalasa ng bagyong Urduja, DSWD naglaan ng P616M na halaga ng food items at non food items

Inalerto na ng Malakanyang ang mga kinauukulang ahensiya ng pamahalaan kaugnay ng pananalasa ng bagyong Urduja.

Sa Press Briefing sa Malakanyang sinabi ni Department of Social Welfare and Development Officer in Charge Emmaneul Leyco na naglaan na ang kanyang tanggapan ng 616 milyong pisong halaga ng food items at non food items par sa mga magiging biktima ng bagyong Urduja.

Ayon kay Leyco 224 milyong pisong food pack ang naka-preposition na at 393 milyong pisong non food items ang nakahanda narin para sa mga maaapektuhan ng kalamidad.

Inihayag ni Leyco na mayroon pang nakahandang 245 milyong pisong standby funds na maaari pang ipalabas ng DSWD kung sakaling kulangin ang naihandang food and non food items.

Niliwanag ni Leyco na minomonitor na ng mga field personnel ang mga residente sa Eastern Samar kung saan nakatakdang mag-landfall ang bagyong Urduja.

Ulat ni Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *