Kinaroroonan ng taxi driver na umano’y hinoldap ni Carl Angelo Arnaiz pinahahanap ng DOJ sa NBI

Inatasan ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II ang NBI na hanapin ang kinaroroonan ng taxi driver na sinasabing hinoldap ng dating UP student na si Carl Angelo Arnaiz.

Sa Department Order ni Aguirre, bukod sa pagtunton sa taxi driver na si Tomas Bagcal, ipinagutos din ng kalihim sa NBI ang imbestigasyon at case build-up sa paratang ni Bagcal na siya ay hinoldap ni Arnaiz.

Ipinapasiyasat din ni Aguirre sa NBI ang factual circumstances na humantong sa pagkakapatay ng mga pulis Caloocan kay Arnaiz.

Si Bagcal ang sinasabing susi para mabatid ang totoong pangyayari sa kaso ng binata.

Ayon kay Aguirre, handa nilang bigyang proteksyon si Bagcal sa ilalim ng Witness Protection Program kung ito ay natatakot.

Maaari aniyang maging state witness ang driver sa kaso ni Arnaiz pero depende ito sa kanyang magiging salaysay.

Ulat ni: Moira Encina

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *