Korte Suprema muling hinimok na ibasura ang ipinatupad na fare hike sa MRT

Muling nanawagan sa Korte Suprema ang Bayan Muna partylist na ipawalang-bisa at ipatigil ang implementasyon ng dagdag-singil sa MRT at LRT bunsod ng halos araw-araw na aberya ng mga tren.

Sa kanilang motion to resolve, hinimok ng grupo ang Supreme Court na resolbahin na ang mga petisyon na humihiling na ibasura at ipahinto ang pagpapatupad ng dotc order 2014-04 na naguutos ng taas- pasahe sa LRT at MRT.

Ayon sa mosyon, sa kabila ng pagtataas sa singil sa pasahe sa mga tren ay hindi pa rin maayos ang serbisyo nito at patuloy pa ring ang nararanasang technical problems nito na nagdudulot ng panganib sa buhay ng mga pasahero.

Binanggit ng Bayan Muna ang ilang insidente sa MRT gaya ng pagkalas ng bagon nito mula sa tren kamakakailan, ang pagkaputol ng kanang braso ng isang babae nang mahulog at madali ng coupler ng tren at ang pagsabit ng diaper sa overhead catenary system ng mrt dahilan para tumigil ang operasyon nito ng mahigit isang oras.

Tinukoy pa ng petitioners ang pagkansela ng pamahalaan sa maintenance contract sa busan universal railway incorporated na pinasok ng nakaraang administrasyon dahil sa alegasyon ng non -performance at inefficiency at kasong katiwalian laban sa mga dating opisyal

Nais din ng grupo na sakaling ipawalang- bisa ng korte suprema ang fare hike ay dapat makakuha ng across-the-board refund ang mga commuters ng tren.

Ulat ni Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *