Labor Day nationwide job fairs isasagawa ng DOLE

Ikinasa na ng DOLE ang labor day nationwide job fairs sa Mayo a-uno.

Ito ang kauna-unahang paggunita ng  labor day sa ilalim ng pamahalaang Duterte na may temang “matatag na kabuhayan at trabaho tungo sa progresibong pagbabago.’

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, magkakaroon ang DOLE ng mahigit limampung job at business fairs sa ibat-ibang rehiyon ng bansa.

Sa National Capital Region ay may sampung job at negosyo fairs na idaraos bilang pagdiriwang ng araw ng paggawa.

Ang pagsasagawaan ng May 1 job fairs sa NCR ay sa Quezon City Hall at Fisher Mall sa Quezon City; Ayala Mall sa Muntinlupa City; basketball court sa likod ng Parañaque City Hall; Vista Mall sa Taguig City; Robinsons Mall sa Las Piñas City; Valenzuela Astrodome; Bonifacio Monument sa Maynila; Malabon City Hall at Pasay City Hall.

Ilan sa mga dapat dalhin ng mga aplikante ay maraming kopya ng kanilang resume ; 2 x 2 ID pictures; certificate of employment para sa dating employed; diploma o  transcript of records; at authenticated birth certificate.

Ulat ni: Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *