Lalaki, patay sa engkuwentro sa mga pulis sa Malolos, Bulacan

Patay ang isang lalaki matapos makipagbarilan sa mga tauhan ng Malolos city police sa isinagawanh anti-drug operation sa Barangay Pinagbakahan kagabi.

Kinilala ang suspect sa alyas na Diego, tinatayang nasa 25 anyos pataas.

Ayon kay Police Supt. Heryl Bruno ng Malolos PNP drug enforcement unit, bigla anila itong bumunot ng baril at pinaputukan ang mga tauhan ng PNP-Malolos.

Ikinasa ang nasabing operasyon matapos makatanggap ng impormasyon na talamak ang pagtutulak ng shabu ng suspect sa lugar.

Narekober sa suspect ang calibre 38 baril, 13 piraso ng pinaghihinalaang sachet ng shabu na nagkakahalaga ng 15,000 piso.

 

Ulat ni Earlo Bringas

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *