Lookout bulletin order vs paring molester, ipinalabas ng DOJ

Isinailalim na sa Immigration Lookout Bulletin ng DOJ ang paring Katoliko na si Monsignor Arnel Lagarejos na inaakusahang nangmolestiya ng isang labing tatlong taong gulang na dalagita na dinala nito sa isang motel sa Marikina City.

Si Lagarejos ay una nang sinampahan ng panibagong reklamong qualified trafficking in persons sa DOJ ng magulang ng biktima.

Sa kautusan ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre, inatasan ang Bureau of Immigration na magmatyag sakaling magtangka si Lagarejos na bumiyahe paalis ng bansa.

Malaki aniya  ang posibilidad na tangkain ni Lagarejos na magtungo sa ibang bansa para matakasan ang ligal na proseso.

Nakalalaya si Lagarejos sa unang kaso laban dito matapos na makapagpiyansa ng 120 thousand pesos.

Ulat ni: Moira Encina

 

 

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *