Mahigit 8,000 indibidwal inilikas sa Rodriguez, Rizal dahil sa pagbaha

 

Umabot sa mahigit 2,000 pamilya o katumbas ng mahigit 8,000 indibidwal ang inilikas sa bayan ng Rodriguez,  Rizal.

Ito ay makaraang maapektuhan ng pagbaha ang kani-kanilang mga tahanan.

Sa datos ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office ng Rodriguez, ang mga barangay na labis na naapektuhan ng pagbaha ay ang Barangay Burgos, Manggahan, San Jose, Rosario, Balite at San Isidro.

Ang mga naapektuhang residente ay pansamantalang inilikas sa 13  evacuation centers.

Samantala, suspendido na ang pasok ngayon sa munisipyo ng Rodriguez maliban lamang sa mga tanggapan na may kaugnayan sa pagtugon sa kalamidad.

 

==========

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *