Malacañang naniniwalang may nagaganap na rice hoarding sa bansa

Binalaan ng Malakanyang sa pamamagitan ng NFA council na pinamumunuan ni Secretary to the Cabinet Leoncio Evasco Jr. ang mga pribadong negosyante na mahaharap sila sa kasong economic sabotage sa pagtatago ng bigas.

Sa ipinatawag na press briefing sa Malakanyang inamin ng kalihim na nagkakaroon ng hoarding o pagtatago ng bigas sa malalaking bodega ng mga pribadong rice trader.

Iginiit ni Evasco na hindi simpleng criminal liability lamang ang ganitong uri ng iligal na aktibidad dahil nagri resulta ito sa pagkakait na makabili ng murang bigas ang publiko.

Sinabi ni Evasco na maging ang National Food Authority ay maaaring makasuhan ng dereliction of duty kapag nakitang hindi nito ginagawa ang kanilang mandato.

Dahil dito inatasan ni Evasco ang NFA na maging pro active sa pagmo monitor sa malalaking bodega ng mga pribadong rice trader kasama na ang pagsasagawa ng inspeksyon at kasuhan ang mapatutunayang sangkot sa hoarding activities.

Muling iginiit ni Evasco na batay sa resulta ng huling meeting ng NFA Council sapat ang aupply ng bigas sa bansa dahil bukod sa panahon ng anihan ay papasok na ang 728 thousand metric tons ng inangkat na bigas sa ilalim ng Minimum Access Volume na ibinigay sa mga provate rice traders ganun din papasok narin ang aangkating 250 thousand metric tons na aangkatin ng NFA sa pamamagitan ng inaprobahang standby importation na magiging buffer stock ng NFA.

Ulat ni Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *