Meralco, magpapatupad na naman ng dagdag singil

Makararanas na naman ng dagdag singil sa kuryente ang mga consumer ng Meralco.

Sa abiso ng Meralco, walong  sentimos kada  kilowatt hour ang itataas sa singil sa kuryente.

Naibawas na sa halaga ng dagdag singil ang 79  sentimos kada kilowatt hour na refund sa mga consumer.

Kung wala ang refund, mas malaki pa sana ang mararamdamang taas singil.

Dahil sa nasabing power rate hike, ang mga kumokonsumo ng 200 kilowatt hour sa isang buwan ay magkakaroon ng dagdag na P16 sa kanilang bill ngayong July.

P24 naman ang dagdag para sa mga kumokonsumo ng 300 kilowatt hour.

Kung 400 kilowatt hour naman ang konsumo sa isang buwan, P32 ang madaragdag sa bill at P40 na dagdag kung ang konsumo ay 500 kilowatt hour.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *