Mga aakyat ng Baguio city, pinayuhang gamitin ang mga bagong bukas na kalsada

Pinayuhan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang mga nagbabalak pumunta ng Baguio City na dumaan sa alternatibong mga ruta.

Ito ay dahil nananatiling nakasara sa mga motorista ang Kennon road dahil sa nagpapatuloy na rehabilitasyon matapos ang serye ng mga landslide na idinulot ng mga pag-ulan.

Ayon sa DPWH, puwedeng gamitin ng mga motorista ang Asin-Nangalisan-San Pascual, Tuba, Benguet-Tubao, La Union boundary road.

 

====================

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *