Mga batang lansangan hindi itatago ng Malacañang sa panahon ng ASEAN Summit

Hindi gagayahin ng Malakanyang ang ginagawa ng nakalipas na administrasyon na hinuhuli at itinatago ang mga batang lansangan kapag may mga international event sa bansa.

Sinabi ni Social Welfare Undersecretary Mitch Cajayon Uy na mismong si Pangulong Duterte ang nag-utos na huwag itago ang mga batang lansangan aa panahon ng ASEAN summit.

Ayon kay Undersecretary Uy nais ng Pangulo na makita ng mga ASEAN leaders kung ano talaga ang tunay na kalagayan ng Pilipinas.

Inihayag ni Uy na mayroong mga programang nakalaan para sa mga batang lansangan para sa kanilang kapakanan.

Kabilang sa mga aktibidad na para sa mga batang lansangan ay ang feeding program, paglalaro at pagbabasa.

Ulat ni Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *