Mga miyembro ng CA nababahala sa kanilang kaligtasan sakaling hindi ipasa ang mga cabinet member ni Digong

Nagpaliwanag na si Senador Panfilo Lacson kung bakit binago ng Commission on Appointments ang proseso ng botohan sa pagkumpirma ng isang miyembro ng gabinete gaya ng ginawa sa Environmentalist na si Gina Lopez.

Una nang nagsawa ng secret voting ang CA sa kaso ni Lopez taliwas sa nakasanayan na bukas sa publiko.

Pero ayon kay Lacson, nangangamba kasi ang mga miyembro ng CA para sa kanilang kaligtasan sakaling hindi makumpirma ang appointment ng iba pang cabinet member.

Partikular na tinukoy ni Lacson sina DSWD Secretary Judy Taguiwalo at Agrarian Reform Secretary Rafael Mariano na kapwa naging miyembro ng New People’s Army.

Sinabi ni Lacson na may mga miyembro ng CA na natatakot na likidahin ng NPA kapag umuwi sa kanilang mga lalawigan kapag hindi pinaboran sina Mariano at Taguiwalo partikular na ang mga kongresista.

Nauna nang sinabi ng Malacanang na itinalaga sa gabinete ang dalawa bilang bahagi ng pagsisikap na makabuo ng kasunduang pangkapayapaan sa Communist Party of the Philippines CPP-NPA.

“ Ang iba nag-aalala lalo ang tatakbo sa 2019, Nagsabi sila. Plus may maka-kaliwa sa Cabinet, ang nirerepresent namin na lugar at probinsya infested ng NPA. Kung dumating ang pagkakataon i-reject naming halimbawa si Sec Taguiwalo, I’m not referring to myself pero may nag-express ng ganoon baka ma-ambush kami pag-uwi namin sa probinsya, dahil ni-reject namin openly. Kaya napagkaisahan namin na okay, kung ganoon din lang, ang importante nagkakaintindihan tayo sa executive session kung ilan ang bilang”. – Sen. Lacson

Ulat ni: Mean Corvera

.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *