Mighty Corporation hiniling sa DOJ na ibasura ang mahigit 9 billion pesos na tax evasion case laban sa kanila

Naghain na ng kontra-salaysay sa DOJ ang cigarette company na Mighty Corporation kaugnay sa 9.56 billion pesos na tax evasion case na isinampa ng BIR laban sa kanila.

Sa kanilang counter-affidavit, hiniling ng mga opisyal ng Mighty Corporation na ibasura ng DOJ ang reklamo laban sa kanila.

Kabilang sa mga naghain ng kani -kanilang kontra salaysay si Alex Wongchuking, Assistant Corporate Secretary ng Mighty; Retired Judge Oscar Barrientos, Vice President for External Affairs at si Ernesto Victa, treasurer ng kumpanya.

Ayon sa mga respondent, walang factual basis ang alegasyon laban sa kanila dahil hindi naman nagsagawa ang BIR ng tax assessment sa Mighty.

Ang kaso laban sa Mighty Corporation ay nag-ugat  sa paggamit nito ng pekeng tax stamps sa  kanilang mga pakete ng sigarilyo na paglabag sa tax code.

Ulat ni: Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *