Mount Amuyao, isasarado sa publiko dahil sa basura

 

Ipinasasara ng alkalde sa bayan ng Barlig sa Mountain Province na si Mayor Genesis Changilan ang trail papuntang Mount Amuyao simula sa May 1.

Ito ay dahil sa mga basurang iniwan ng mga hikers at trekkers mula sa Batad rice terraces sa summit ng Mount Amuyao.

 

Partikular na isasara ang trail na nagkokonekta sa Batad rice terraces sa Banaue, Ifugao at Mount Amuyao.

Batay sa environmental guidelines, dapat dalhin ng mga trekker ang kanilang basura sa Barangay Macalana na siyang itinalagang jump-off point.

Kumokolekta rin ng environmental fee mula sa mga hiker.

Ayon  kay Changilan, layunin ng pansamatalang pagpapasara sa trail ang makapag-self regenerate ang bahaging ito ng Mount Amuyao.

 

================

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *