Nanalong Mayor sa Aglipay, Quirino, ngayon pa lamang uupo sa puwesto

Makalipas ng halos dalawang taon mula ng nakaraang halalang national, ngayon lamang uupo sa puwesto ang nanalong mayor sa bayan ng Aglipay, Quirino na si Mayor Roy Saladino.

Pagkatapos ng kaniyang deklarasyon noon ay hindi na nagpakita ang nasabing mayor sa bayang ito at nabalitang siya ay nagtago dahil sa mga kasong kinakaharap.

Naging acting Mayor ng bayang ito ang nanalong bise na si Jerry Agsalda.

Sa ginanap na flag ceremony sa Municipal hall kung saan nagsalita si Mayor Saladino ay wala namang tensiyon na naganap sa pagitan ng Bise at ng Alkalde pero napansin ng mga empleyado na hindi nakikibuan ang dalawa.

Ayon kay Saladino, hindi sa bayan siya nagkasala kundi personal na problema ang dahilan.

Ngayon ay handa na niya umanong gampanan ang obligasyon sa kaniyang bayan.

Ayon pa kay Saladino na sa nalalabing isang taon na ipagsisilbe sa bayan ay gagawin niya ang agarang serbisyo at isusulong ang nagkakaisang bayan ng Aglipay.

 

Ulat ni Rustie Lorenzo, Provincial correspondent

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *