Operasyon ng Pasig River Ferry, hindi pa rin normal

Hindi pa rin balik sa normal ang operasyon ng Pasig River Ferry.

Sa abiso ng Metropolitan Manila Development Authority ngayong araw June 29, ang Gudalupe station hanggang Pinagbuhatan station at pabalik lamang ang biyahe ng ferry.

Habang wala pa ring biyahe mula Guadalupe station hanggang Plaza Mexico at pabalik.

Ito ay dahil pa rin sa makapal na water lilies sa ilog Pasig.

Hindi pa matukoy ng MMDA kung kailan maibabalik ng buo ang operasyon ng ferry.

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *