Outgoing Presidential Spokesman Abella, nagsalita sa pagkakatalaga sa bagong Presidential Spokesman Atty. Harry Roque
Nagbigay na ng pahayag si outgoing Presidential Spokesman Ernesto Abella sa pagkakatalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Atty. Harry Roque bilang bagong Presidential Spokesman.
Sinabi ni Abella na kuwalipikado si Atty. Roque na maging Presidential Spokesman.
Ayon kay Abella magagampanan ni Roque ang kanyang tungkulin batay sa inaasahan ng Pangulo.
Hindi naman sinabi ni Abella kung masama ang kanyang loob sa pagkakasibak sa kanya sa puwesto.
Si Roque ay pormal na uupong Presidential Spokesman sa November 6.
Ulat ni Vic Somintac
Please follow and like us: