Overseas Employment program ng gobyerno, pinarerebisa ni Senadora Cynthia Villar

Ipinarerepaso ni Senador Cynthia Villar ang overseas employment program ng gobyerno kasunod ng ipinag utos na deployment ban ng pangulo sa Kuwait.

Kasunod ito ng pagkanatay ng pitong Overseas Filipino Workers kabilang na ang isang pinay na natagpuang patay sa loob ng freezer.

Ayon kay Villar, sinusuportahan nya ang desisyon ng pangulo para protektahan ang dignidad at karapatan ng mga mangagawang pinoy.

Pero dapat rebisahin aniya ang mga ipinatutupad na patakaran sa labor migration lalo na sa mga domestic workers.

Hindi lang naman aniya sa Kuwait nangyyari ang pang aabuso sa mga mangagawang pinoy kundi sa mga bansa sa Middle East.

Ulat ni Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *