Pagbibigay ng libreng gamot sa mga gov’t. hospital para sa mahihirap na pamilya, isinusulong sa senado

Isinusulong ni Senador Sonny Angara na malibre na sa gamot at maisama
sa free medicine program sa mga pampublikong ospital ang mga mahihirap
na pamilya.

Sa senate bill 1592 o Tax Reform for Acceleration and Inclusion o
TRAIN na inindorso ni angara sa plenaryo ng senado, kasama sa
popondohan ng mga makokolektang bagong buwis ang libreng gamot para sa
mahihirap.

Sa kasalukuyan, may mga pampublikong ospital na nagpapatupad ng free
medicine program sa ilalim ng DSWD, libreng gamot para sa masa programa
kung saan bibigyan ng medicine assistace ang mga mahihirap na
pasyente.

Kabilang na rito ang Philippine General Hospital, Jose Reyes Memorial
Hospital, East Avenue Medical Center, Lung Center of the Philippines,
Philippine Children’s Hospital, and San Lazaro Hospital

Pero sabi ni angara dapat ipatupad ang ganitong sistema sa lahat ng
pampublikong ospital lalo na na sa mahihirap na mga lalawigan.

Hindi kasi aniya naabot ng mga libreng serbisyo ng gobyerno ang
malalayong probinsya kaya marami sa mga mahihirap na pasyente ang
namamatay batay na rin sa datos ng World Health Organization.

ULAT ni Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *