Pagkwestyon sa isyu ng Human Rights, hindi panghihimasok ng European Union

Duda ang mga Senador na panghihimasukan ng European Union ang internal affairs ng Pilipinas.

Ito ang pahayag ng mga Senador kasunod ng pagtanggi ng Malacanang na tanggapin ang ayuda mula sa EUdahil sa umanoy mga inilatag na kondisyon kasama na ang pagkwestyon sa mga kaso ng extra judicial killings.

Ayon kay Senador Grace Poe, walang masama kung maghayag ng concern ang EU sa human rights issue sa Pilipinas.

Nais lang aniyang makatiyak ng EU na nasusunod ang mga batas sa karapatang pantao dahil nakabatay ito sa saligang batas.

Iginiit naman ni Senate minority Leader Franklin Drilon hindi lisensya ang anumang financial aid para panghimasukan ang anumang panloob na problema ng bansa.

Ulat ni: Mean Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *