Palasyo, nanawagan sa publiko na maging alerto kasunod ng Quiapo twin blasts

Umapela ang Malacañang sa publiko na maging alerto at maging maingat sa pagbibigay ng impormasyon kasunod ng  nangyaring twin blast sa Quiapo, Manila noong Sabado na ikinamatay ng dalawa at  ikinasugat ng anim.

Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abellla, habang nagpapatuloy ang imbestigasyon mas mabuting maging alerto ang publiko at ipagbigay alam kaagad sa otoridad kapag may napapansin na mga kahina hinalang mga bagahe o indibidwal sa paligid.

Sinabi ni Abella  kung maaari iwasan na magpasa ng mga impormasyon na mula sa mga unverified sources dahil nagdudulot  ito ng alarma at panic.

Sa ngayon inilagay sa lockdown ang Norgazaray Street sa Quiapo habang ongoing ang forensic and ordnance police teams sa pag-secure at pag proseso sa blasts sites.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *