Pamahalaan magtatayo ng isang milyong pabahay sa loob ng limang taon ayon sa Malakanyang

Isang milyong housing units ang target ng pamahalaan na maitayo sa susunod na mahigit limang taon.

Ito ang inihayag ni Presidential Commission for the Urban Poor o PCUP Commissioner Terry Ridon, sa gitna ng pagsisikap ng Duterte administration na matugunan ang krisis sa pabahay.

Sa nabanggit na bilang na target na  maipatayong pabahay ng Duterte administration, sinabi ni Ridon na aabot sa mahigit isang trilyong piso ang kakailanganing budget.

Aminado si Ridon na hindi talaga sapat ang halagang naihanda ng gobyerno para sa housing project.

Batay sa datos na nakuha ng PCUP sa Housing and Urban Development Coordinating Council o HUDCC,  nasa 5. 6 milyon ang backlog sa pabahay na kailanang matugunan ng pamahalaan.

Ulat ni: Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *