Pangongolekta ng bayad sa mga dayuhan na nais muling makuha ang kanilang filipino citizenship ipinatitigil

Ipinatitigil na ni Senador Franklin Drilon sa Department of Foreign Affairs ang pangingolekta ng singil sa mga dayuhang pinoy na nais muling mag aplay ng kanilang filipino citizenship.

Kasunod ito ng pakikipagpulong ni Drilon sa filipino community sa spain kung saan maraming pinoy umano ang umangal sa pangongolekta ng 45 euros o katumbas ng 2,700 pesos.

Iginiit ni Senador Drilon na hindi income generating institution ang dfa bukod pa sa mahihirapan ang ahensya na hinukin ang mga pinoy na maibalik ang kanilang citizenship.

Sa ilalim ng Republic Act 9225 o Citizenship Retention and Reacquisition Act of 2003, ang natural-born Filipinos na nakakuha ng naturalization sa ibang bansa ay maari pang makakuha ng kanilang philippine ciyisenship sa pamamagitan ng oath of allegiance.

Ulat ni Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *