Pangulong Duterte, hinamong magpa-drug test

Hinimok ni Senador Antonio Trillanes IV si Pangulong Rodrigo Duterte na sumailalim sa drug test.

Ito’y para malaman kung talagang gumagamit ang Pangulo ng marijuana gaya ng kaniyang pahayag.

Hindi kumbinsido si Trillanes na nagbibiro lang ang Pangulo.

Kung nais aniya ng Pangulo na linisin ang kaniyang pangalan sa publiko at patunayang hindi siya durugista dapat itong sumailalim sa drug test.

Nauna nang sinabi ng Pangulo na gumagamit sya ng marijuana para makatagal sa kaniyang trabaho at manatiling gising pero kalaunay binawi ng malacanang at sinabing nagbibiro lang ang Pangulo.

Sen. Trillanes:
“Too late! Bistado na siya na isa rin pala siyang durugista. Now, if he really wants to clear himself, i am again calling on him to take a drug test”.

 

Ulat ni Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *