Pangulong Duterte, hinangaan sa pagiging sinsero sa pagsusulong ng BOL

Umaasa si Labor secretary Silvestre Bello III na ngayong isa nang ganap na batas ang Bangsamoro Organic Law o BOL, makakamit na ng Mindanao ang inaasam na kapayapaan.

Ayon kay Bello, na dati ring naatasang manguna sa Government Peace Panel ng pamahalaan, tanging si Pangulong Rodrigo Duterte lamang ang naging Presidente ng Pilipinas na nakita niyang sinsero sa pagsusulong ng kapayapaan sa  rehiyon ng Mindanao sa pamamagitan ng BOL.

Magiging daan din aniya ang BOL sa pagkakaroon ng pangmatagalang kapapayaan na hindi lamang sa Mindanao kundi sa buong bansa.

This is unprecedented…matagal na itong BOL na ito. Ngayon lang tayo nagkaroon ng isang Pangulo na talagang may political will at sinseridad na isulong ang BOL. Ang kababayan nating Muslim ay hindi lamang sa Mindanao eh…so this is a big step towards achieving peace in our country”.

 

 

 

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *