Pangulong Duterte ikakampanya ang senatorial slate ng administrasyon

Tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte na ikakampanya niya ang mga senatorial candidate ng administrasyon.

Ayon sa pangulo sa ngayon ay hindi pa kompleto ang senatorial slate ng administrasyon

Inihayag ng pangulo na partikular din niyang ikakampanya ang kanyang top aide na si Special Assistant to the President Secretary Bong Go.

Si Secretary Go ay nakapaghain na ng kanyang certificate of candidacy o coc sa Commission on Elections o Comelec

Niliwanag ng pangulo na hindi gagamitin ang government resources sa panahon ng kampanya sa mga kandidato ng administrasyon.

Ulat ni Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *