Pangulong Duterte nagpatawag ng joint PNP AFP command conference sa Malacañang

Pinulong ni Pangulong Rodrigo Duterte ang liderato ng Philippine National Police o PNP at Armed forces of the Philippines o AFP.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na regular naman na nagpapatawag ng command conference ang pangulo bilang Commander in chief.

Ayon kay Roque sa command conference binigyan ng security briefing ang pangulo mula sa PNP at AFP.

Inihayag ni Roque na hindi maaaring isapubliko ang agenda ng command conference dahil ito ay may kaugnayan sa national security.

Magugunitang kinumpirma ng liderato ng AFP na seryoso ang banta ng mga rebeldeng kumunista kasama ang ilang grupo na nagbabalak ibagsak ang gobyernong Duterte.

Binabatikos din ng mga kritiko ng pangulo ang administrasyon dahil sa sunod sunod na pagpatay sa mga local politicians na kinabibilangan nina Tanauan City Mayor Antonio Halili at General Tinio Mayor Ferdinand Bote.

“Regular naman na nagpapatawag ng command conference ang pangulo bilang commander in chief.
bibigyan ng security briefing at assessment ang pangulo lalo na ngayon na seryoso ang bantang ibagsak ang gobyerno”.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *