Pangulong Duterte, nakabalik na mula sa biyahe sa Japan

Nakabalik na sa pilipinas si Pangulong Rodrigo Duterte mula sa kaniyang pagbisita sa Japan.

Bago mag-alas 10:00 ng gabi lumapag ang eroplanong sinakyan ng presidente sa Davao City.

Kahit tila pagod sa kaniyang naging biyahe, nakapaglaan pa ang presidente ng panahon para maharap ang mga miembro ng media.

Ibinida naman ni Pangulong Duterte na ang kaniyang pagbisita sa Japan ay maituturing na most productive and engaging sa kaniyang mga naging biyahe.

Nakipagpulong kasi siya kay Prime Minister Shinzo Abe kung saan napag-usapan aniya nila ang lalo pang pagpapatibay ng relasyon ng Pilipinas at Japan.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *