Pangulong Duterte, personal na nakiramay sa pamilya Demafelis….karagdagang tulong pinansyal, ipinagkaloob

Personal na dinalaw ni Pangulong Rodrigo Duterte ang burol ng Filipina Overseas Filipino worker o OFW na pinatay at inilagay sa loob ng isang freezer sa Kuwait.

Bitbit ang pinansiyal na tulong at ayuda mula sa iba’t-ibang ahensya ng pamahalaan, tiniyak ng Pangulo sa mga kaanak ni Joanna Demafelis na  mabibigyan ito ng hustisya.

Muli ring binanatan ng Pangulo ang pamahalaan ng Kuwait dahil sa kanilang kabiguan na pangalagaan ang mga migrant workers sa kanilang bansa.

Bukod sa tulong na dala ng Pangulo, binigyan rin niya ng mga cellphone ang lahat ng mga kapatid at magulang ni Joanna.

Sinabi rin ng Pangulo na ipinag-utos na niya ang full audit sa lahat ng mga kaso ng mga OFWs lalu na ang mga biktima ng karahasan.

 

================

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *