Panibagong rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo, ipapatupad bukas

Inaasahang magpapatupad muli ng panibagong tapyas presyo sa mga produktong petrolyo ang mga kumpanya ng langis bukas, Mayo 9.

Ayon sa Department of Energy , itoy bunsod ng sobra-sobrang suplay ng langis ngunit babatay pa ito sakaling makumpleto na ang isang linggong pagtaya sa kalakalan ng langis.

Giit ni Energy Spokesman at Undersecretary Felix Fuentebella, inaasahang maglalaro sa pitumpu (70) hanggang siyamnapung (90) sentimos ang posibleng i-rollback sa presyo ng Gasolina, Diesel at Kerosene.

Sakaling  maipatupad ito na ang ikatlong sunod na linggo na magpapatupad ng rollback ang mga oil company sa kanilang mga produkto.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *