Panukalang death penalty tatalakayin na sa pagbabalik ng sesyon sa Mayo

Kinumpirma ni Senador Richard Gordon na tatalakayin na sa pagbabalik ng sesyon sa Mayo ang dalawang panukalang batas na ibalik ang death penalty sa bansa.

Ayon kay Gordon, Chairman ng Senate Committee on Justice and Human Rights, isasabay na rin nilang isalang sa deliberasyon ang panukalang ibaba ang edad ng mga batang kinakasuhan.

Sa harap ito ng mga kaso kung saan ginagamit ng mga sindikato ang mga kabataan para magbenta ng iligal na droga o gumawa ng krimen.

Kung si Gordon ang tatanungin, nais nito na i-exempt ang mga batang may edad siyam pababa pero ang mga batang may edad na sampu pataas ay dapat nang ipakulong at kasuhan kung mapapatunayang nasangkot sa krimen.

Pero dadaan pa ito sa masusing debate sa Senado lalo at marami sa kaniyang mga kasamahan ang tutol lalo na sa death penalty bill.

Sa ilalim ng mga nakapending na panukala sa Senado, nais ng ilang Senador na ibalik ang parusang bitay kung ang kaso ay may kaugnayan sa iligal na droga.

Ulat ni : Mean Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *