Panukalang patawan ng excise tax ang sugar free products, pinalagan ng Federation of Philippine Industries

Pinalagan ng Federation of Philippine Industries ang panukala ni Congresswoman Estrellita Suansing na patawan ng excise tax ang sugar free products.

Ito ay dahil sa  ng tumataas na bilang ng mga obese na Pilipino.

Ayon kay Federation of Philippine Industries Chairman Jesus Arranza, hindi asukal ang dahilan ng obesity at ng diabetes ito ay lifestyle diseases.

Maaari rin aniyang makuha ang obesity at diabetes sa pagkain ng maraming kanin.

Naniniwala rin si Arranza na ang masa ang tatamaan ng panukala ni Suansing dahil ang mga maliliit na mamamayan ang komu-konsumo ng asukal.

Sa halip, hinamon ni Arranza ang Kamara na habulin ang mga smugglers at buwisan din ang mga sikat na coffee shop at bakeshop dahil sila rin ay kumo-konsumo ng asukal.

 

 

—-

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *