Passport magmamahal ang presyo dahil sa 10-year validity nito – DFA

Mas mataas ang babayaran kapag naipatupad na ang 10-year validity ng mga passport sa bansa.

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA) kung dati ay mayroong P950 para sa 5-year validity  aabot ito ngayon sa P1,900 hanggang P2,000 sa 10-year validity.

Paliwanag ni DFA Office of Consular Affairs Passport Director Ricarte Abejuela,  papalitan din nila ang mga materyales sa paggawa ng passport na kayang tumagal ng hanggang sampung taon.

Nilinaw nito na hindi sakop ng 10-year validity ang mga menor de-edad dahil sa nagbabago ang kanilang itsura habang dumadaan ang panahon.

Una rito, naratipika na ng House of Representatives ang proposal sa pagpapalawig ng validity ng mga passport.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *