PCG naghahanda sa pagdagsa ng mga pasahero sa mga pantalan ngayong holiday season

Naka-heightened alert simula sa Lunes, December 18 ang buong pwersa ng Philippine Coast Guard bunsod ng inaasahang pagdagsa ng mga bibiyahe ngayong holiday season.

Kasabay nito ilulunsad din ngPCG ang Oplan Biyaheng Ayos na tatagal hanggang January 8, 2018.

Inatasan na ni PCG Officer-in-Charge Commodore Joel Garcia ang lahat ng mga coast guard unit na panatilihin ang mataas na antas ng kahandaan at pagiging alerto sa lahat ng mga pantalan sa buong bansa, mga beach, at sa mga coastal at island resorts.

Pinaghahanda rin ng mga myembro ng PCG sa pagtugon sa mga mga maritime emergency.

Nagpalabas na rin anya si transportation Secretary Arthur Tugade ng kautusan na higpitan ang pag-iinspeksyon sa lahat ng mga pasahero at mga bagahe.

Kaugnay nito hihigpitan din ng PCG ang pag-iinspeksyon sa posibleng mga iligal na droga na maaring ibiyahe sa dagat bilang suporta sa anti drug campaign ng pamahalaan.

Ulat ni Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *