PDEA-9, nakakumpiska ng dalawa at kalahating kilong shabu nito lamang buwan ng Enero

Itinuturing na malaking tagumpay ng PDEA Regional Office-9 sa Zamboanga Peninsula ang pagkakabawi nila sa dalawa at kalahating kilo ng shabu sa magkahiwalay na operasyon sa buong rehiyon partikular dito sa Zamboanga City.

Ayon kay Atty. Jacqueline De Guzman, PDEA Regional Director-9, nabawi ng kilo-kilong pakete ng shabu sa Joint operation ng Police at PDEA personel sa sentro ng lungsod habang nabawi naman sa simultaneous operation ang mga maliliiit na pakete na naglalaman ng shabu.

Umabot sa higit 17 milyong piso ang nakumpiskang shabu sa loob lamang sa buwang ito ng Enero.

Mga HVT personality, active police at military personel ay nga kabilang sa mga taong naaresto sa kanilang operasyon.

 

Ulat ni Ely Dumaboc

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *