Pre-trial sa kasong graft ni dating PNP Chief Purisima, ipinagpaliban

Pinagpaliban ang pre-trial kay dating Philippine National Police Chief Alan Purisima sa kinakaharap nitong kasong graft kaugnay sa umano’y maanomalyang courier service deal na pinasok ng PNP noong 2011.

Dahil dito, itinakda na lamang ang pre-trial ni Purisima sa Hunyo.

Ito ay para pahintulutan ang prosecution at ang defense panels na makumpleto ang preliminary conference para sa nasabing kaso.

Nabatid na sa Mayo 9 itinakda ang preliminary conference.

Samantala, sinabi naman ng prosecution na magsusumite rin sila ng supplemental pre-trial brief para sa nasabing kaso.

Sinampahan ng kasong graft si Purisima dahil sa umano’y maanomaliyang kontratang pinasok ng PNP noong 2011 sa courier service company na Werfast Documentary Agency Inc. para sa delivery ng mga lisensya ng mga baril ng mga aplikante.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *