Presidential Spokesman Ernesto Abella ayaw makipag-away kay Agricultire Secretary Manny Piñol

Hindi minamasama ni Presidential Spokesman Ernesto Abella ang mga puna at banat ni Agriculture Secretary Manny Piñol sa Presidential Communications group.

Sinabi ni Abella na wala siyang nakikitang pamemersonal kay Secretary Piñol sa pagsasabing mahina at mabagal ang Communications group sa pagpapaabot ng mensaheng gustong maiparating ni Pangulong Duterte sa publiko.

Ayon kay Abella hindi niya itinuturing na pakikialam sa trabaho ng Communications group ang mga puna ni Piñol.

Inihayag ni Abella kung mayroon mang dapat na ayusin sa kanila ni Piñol dapat itong gawing behind the scene at hindi sa harap ng publiko.

Ulat ni: Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *