Presidential Spokesman Harry Roque sumakay ng MRT at LRT

Sinubukan mismo ni Presidential Spokesman Harry Roque na sumakay ng MRT at LRT.

Sinabi ni Roque na nais niyang personal na maranasan ang kalbaryong dinaranas ng mga pasahero ng MRT at LRT.

Sumakay si Roque sa MRT North Avenue Station sa Quezon City pasado alas nieve ng umaga at bumaba ng Taft Avenue Station sa Pasay at lumipat ng LRT at bumaba ng Central Avenue sa lungsod ng Maynila.

Nagkataon naman na wala ng masyadong pasahero dahil lagpas na sa peak hours at hindi niya natiyempuhan na tumirik ang MRT.

Nauna ng sinabi ni Roque na nais niyang maranasan ang sumakay sa MRT para maintindihan niya ang problemang kinakaharap ng MRT.

Ulat ni Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *