Presidential Spokesman Harry Roque ‘undecided’ pa kung mananatili o aalis sa puwesto

Nilinaw ni Presidential Spokesman Harry Roque na wala pa siyang pinal na desisyon kung mananatili sa o magbitiw na sa pwesto para tumakbo sa pagka-senador.

Magugunitang noong nakaraang linggo sinabi ni Roque na magninilay siya nitong weekend kung magbibitiw sa pwesto o tanggapin ang alok na bagong posisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Nagsabi si Roque na leave muna siya pero dumalo sa Cabinet meeting kagabi.

Sa press briefing ngayong araw sinabi ni Sec. Roque na tuloy ang kanyang leave pero pumasok lamang siya ngayon para ianunsyo ang pag-apruba ni Pangulong Duterte sa liberalisasyon ng pag-angkat ng bigas.

Ayon kay Roque tuloy ang kanyang biyahe sa Beijing bukas para dumalo sa isang komperensya at
babalik naman daw ito sa October 15.

Nilinaw ni Sec. Roque na patuloy pa ang kanilang pag-uusap ni Pangulong Duterte at wala pang napagkasunduan.

Ulat ni Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *