Publiko hindi dapat mangamba sa isinusulong na tax reform ng gobyerno

Walang dapat katakutan ang publiko sa tax reform na isinusulong ng Duterte administration na maisabatas ng kongreso.

Ayon kay Albay Cong.  Joey Salceda, hindi magdudulot ng matinding pahirap sa publiko ang tax reform package sa halip ay magpapatatag ito ng katayuang pinansiyal ng bansa na pakikinabangan din sa huli ng taumbayan.

Giit ni Salceda, ang mabibigat na probisyon nito ay mas direktang tatama sa top 1 percent ng populasyon ng mga pilipino kagaya ng dagdag na buwis sa produktong petrolyo at sa mga bagong sasakyan.

Ang tax reform na ito ay magiging susi din para mas tumaas pa ang credit rating ng bansa na magbibigay daan naman para dumami ang papasok na investment dito.

Paliwanag pa ni Salceda,  ang initial shock na dulot ng implementasyon ng reporma sa pagbubuwis ay masasalag ng ibibigay na tulong ng gobyerno sa pinakamahihirap na pamilya.

Sa nakalatag na plano, bibigyan ng social benefits card ang mga mahihirap na pwedeng gamitin sa pag avail ng diskwento,  tulong sa matrikula o kahit pa sa serbisyong medikal.

Hiwalay pa dito ang binabalak na ibigay na pang diskwento sa mga operator ng pampasaherong sasakyan na makakaramdam ng bigat ng fuel tax.

Ulat ni: Madelyn Villar – Moratillo

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *