Rep. Alejano, aminadong walang tyansang lumusot ang inihain niyang impeachment complaint laban sa Pangulo

Aminado si  Magdalo Partylist Rep. Gary Alejano na “walang numero” para mailusot ang ihinain niyang impeachment case laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Alejano, may mga kongresista na ang nagpahayag ng suporta sa kanyang ihinaing impeachment case laban sa Pangulo subalit kulang sila ng numero.

Anumang oras mula ngayon ay ieendorso na ng House Rules Committee na pinamumunuan ni House Majority Leader Rodolfo Fariñas ang reklamo sa House Committee on Justice.

Tanggap na ni Alejano na tulog ang kanyang reklamo laban sa Pangulo dahil “numbers game” ang iiral sa pagdetermina kung sufficiency in form and substances ang kanyang reklamo.

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *