Resolusyon para i-assess ang kahandaan ng gobyerno sa malakas na lindol inihain sa Senado

Inirekomenda ni Senadora Leila de Lima sa National at Local Government Units na alamin ang kahandaan ng ibat-ibang sektor sa posibleng epekto ng malakas na lindol na maaring tumama sa Pilipinas.

Sa inihaing Senate Resolution 322 na inihain ng tanggapan ni de Lima, hiniling nito na ipatawag ng Senado ang ibat-ibang ahensya ng gobyerno para i-asses ang earthquake preparedness.

Sinabi ni de Lima na nakakabahala ang sunod-sunod na pagyanig na nangyayari sa ibat-ibang mga lalawigan sa mga nakalipas na araw.

Katunayan batay sa 2016 world risk index, ang Pilipinas ay nasa Pacific Ring of Fire, o ang pinaka aktibong earthquake belt sa buong mundo o may highest disaster risk.

Kasabay nito, pina-aamyendahan ng Senadora ang National Building Code para matiyak na sumusunod ang mga homeowners ar building administrator sa itinatakdang patakaran sa pagtatayo ng mga gusali.

Ulat ni: Mean Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *