Resolusyon para bigyan ng parangal si Pacquiao inihain sa senado

LAS VEGAS, NEVADA - JANUARY 19: Manny Pacquiao celebrates after defeating Adrien Broner by unanimous decision during the WBA welterweight championship at MGM Grand Garden Arena on January 19, 2019 in Las Vegas, Nevada. Christian Petersen/Getty Images/AFP

Pararangalan ng senado si Senador Manny Pacquiao sa pagbabalik nito sa bansa bukas.

Naghain na si Senador Sonny Angara ng resolusyon ng pagbati at pagkilala kay Pacquiao matapos nitong tagumpay na madepensehan ang kanyang World Boxing Association Welterweight championship title laban sa Amerikanong si Adrien Broner.

Base sa Senate Resolution No. 997, sinabi ni Angara na napanatili ni Pacquiao ang disiplina sa lona sa edad na 40 at nagpakita ng determinasyon na manalo sa laban na natapos sa Round 10 ng kabuuang 12 rounds kahit pa mas bata ang kaniyang nakalaban.

Ito aniya ay magsisilbing inspirasyon sa mga pilipino nna huwag sumuko at ipagpatuloy ang anumang laban.

Ulat ni Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *