Retiradong pulis na wanted sa kasong murder sa Bacolod noong pang 1992, arestado na ng NBI

Nadakip na ng NBI ang isang retiradong pulis na mahigit dalawampung taon nang wanted sa kasong murder sa Bacolod City.

Kinilala ang akusado na si retired PO3 Rodolfo Gamuyao, sisentay-kwatro anyos na nahaharap sa kasong pagpatay noong 1992.

Ayon sa NBI, July 1, 1992 nang ipalabas ng Bacolod City Regional Trial Court Branch 53 ang warrant of arrest laban kay Gamuyao.

Batay sa intelligence report, si Gamuyao at ang grupo ay sangkot sa mga iligal na aktibidad gaya ng gun running at pagbebenta ng iligal na droga sa Region 6.

Nakumpirma naman ng NBI na kasa-kasama dati ni Gamuyao ang ilang miyembro ng noo’y Philippine Constabulary.

Naibalik na ng NBI ang arrest warrant sa Bacolod RTC.

Pansamantalang nakakulong si Gamuyao sa NBI detention cell sa Maynila habang hinihintay pa ang commitment  order ng korte kung saan ito ikukulong.

Ulat ni: Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *