Retired Gen. Dionisio Santiago pormal nang inirekomenda ni Aguirre para maging BuCor chief

Pormal nang inirekomenda ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre kay Pangulong Duterte si  retired General Dionisio Santiago para maging bagong hepe ng Bureau of Corrections.

Si Santiago ay katatalaga pa lamang bilang Chairman ng Dangerous Drugs Board.

Sa sulat ni Aguirre sa Pangulo noong July 14, sinabi niya na naniniwala siyang kayang- kayang pamunuan ni Santiago ang BuCor.

Ikinatwiran ni Aguirre na mahalagang maipagpatuloy ang liderato at mga programa sa BuCor na kaugnay sa pagsawata sa illegal drug trade  sa New Bilibid Prisons at iba pang mga National penitentiary.

Nagbitiw  si dating BuCor Director General Benjamin delos Santos kasunod ng pagbalik ng kalakalan ng iligal na droga sa bilibid.

Ulat ni: Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *