Rural banks sa bansa, nais pa-imbestigahan ni Sen. Escudero

Interasado si Senate Committee on Banks Chairman Chiz Escudero na imbestigahan ang rural banks kung saan sinasabing nagbukas ng maraming account si Commission on Elections Chairman Andres Bautista.

Ayon kay Escudero, maaaring nagagamit ng public officials sa kalokohan ang mga rural bank sa bansa kung saan dito nila itinatago ang mga umano’y hindi maipaliwanag na yaman.

Ayon kay Escudero, dapat tandaan ng mga bangko na mayroon silang obligasyong mag-ulat sa Anti-Money Laundering Council kung may mga kaduda-dudang bank accounts at bank deposits.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *